Lunes, Setyembre 28, 2015
Panimula
Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento at midyum ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Kaya naman, hindi maikakaila ang katotohanan na ang wika ay magsisilbing tulay ng komunikasyon ng mga tao upang makaagapay sa lipunang ginagalawan.
Sa mundo ng globalisasyon, ang paggamit ng wika upang makipag-komunikasyon ang isa sa mga salik upang magkaroon ng isang buo at matatag na pundasyon ang isang bansa. Subalit, ang Wikang Filipino ba tinaguriang wikang Pambansa na kung saan ito dapat ang gamitin sa ating lupang sinilangan ay para bang nakikipagtagisan sa isang salitang dayuhan ang Wikang Ingles. Ukol dito, sa pagkakaroon ng dalawang umiiral na wika sa bansa nasasaalang-alang ang katatasan ng mga tao sa pagpili at paggamit ng mga salita upang makapagpahayag. Ito ay iyong tuloy-tuloy na magsasalita ng Filipino tapos ay bigla namang hahaluan ng Ingles sa pagsasalita na kung saan ito ay mas kilala sa tugon na “TAGLISH”.
Sa makatuwid, saklaw ng konseptong papel na ito ang pag-aaral sa kaligirang isyung pangwika ukol sa “TAGLISH” na nakakaapekto sa Globalisasyon dulot nang tunggalian ng wikang Filipino at Ingles
Linggo, Setyembre 27, 2015
WikaKwela
Narito ang hinandang awiting ng aming pangkat :)
WikaKwela
Bawat isa ay may tanong
Bat ganito bat ganon
Halikana, Gumamit na
nang tamang wika
Ingles man o kaya Filipino
Pwede din ang Taglish
Basta nagkakaunawaan
Sure na Sure na yan
Ingles man o kaya Filipino
Pwede din ang Taglish
Kinabukasan nang ating Bayan
Siguradong, Sure na yan
Miyerkules, Setyembre 2, 2015
FilipinoAtbp
Sa kabuuan ng adbokasiyang ito, dahil sa pagkakaroon ng modernisasyon at teknolohiya sa panahong ito ay magiging hamon ito sa mga Pilipino. Dahil simula pa lang ang mga ito ng mga pagbabago, marami pang darating na mas kapakipakinabang at suliranin sa wikang Filipino isa na nga rito ang tunggalian nito sa wikang Ingles at pagsibol ng Taglish sa bokabularyong Filipino. Ang paggamit ng Taglish ay nagbubunga ng maganda at di-magandang epekto sa globalisasyon at pati sa bansa mismo. Maari itong magpaunlad ng ekonomiya ngunit sa kabilang dako nagdudulot ito sa pagsira sa pambansang kultura. Kay aheto ang mga simpleng pamamaran sa tamang paggamit ng Filipino. Una, huwag mtakot na manghiram ng salita lalo na sa mga terminolohiyang walang katumbasa sa Filipino o kaya gumamit ng Taglish sa tamang paraan. Pangalawa, magkaroon ng sariling pagsasalin batay sa pang-araw-araw na karanasan sa buhay sa pagsasalin sa diwa o kahulugan at hindi sa sa salita. Panghuli, linangin ang kaalaman sa wikang Ingles at Filipino sa pamamagitan ng pagbabasa at panunuod. Sa mga paraang ito, ang pagkakaroon ng tunggalian sa wikang Ingles at Filipino at pag-usbong ng Taglish ay hindi magdudulot ng masamang epekto sa globalisasyon at maaring pagunlad ng ekonomiya ng bansa. Kaya naman lahat ng mamamayang Pilipino ay makikinabang bata man o matanda, lalaki man o
Lunes, Agosto 31, 2015
Kalakasan
Sa paglipas ng panahon, dala ng mga pagbabago, at malayang interaksyon ng wika, nabuo at nagkaroon ng tinatawag na “Taglish”. Mas lumawak at naging kompleks ang gamit at pagaaral ng wika dulot nito. Marahil na ang bansang Pilipinas ay may malakas na impluwensya, kung kayat mas napadali ang pagkalat ng mga salita, maging pangungusap na binubuo ng komninasyong Pinoy at Kano. Patuloy na ginagamit at nagagamit ito sa mas simple at pinadaling paraan ng pakikipag-ugnayan. Ngunit ito ba ay nararapat? Paano na ang globalisasyon? Mayroon ba itong masama o magandang dulot sa globalisasyon?
Bilang bahagi ng lipunan, ang konseptong papel na ito, saad at laman ng konteksto ang magagandang epekto at kalakasan ng pagkakaroon ng tinatawag na “Taglish”. Una, dahil ang wika ay walang permanenteng hubog o posisyon, madali itong mapalitan maging ang madagdagan. Ngunit sa mga pagbabagong ito, nakakadiskubre ng tao ang iba pang mga salitang makakatulong sa pagunlad ng globalisasyon. Dahil nga nasabi na ang Ingles ay internasyunal na lingwahe na kung saan maraming tao ang nakakaintindi nito at ito rin ang madalas na gamitin ng mga kanluraning bansa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Kung kaya’t malimit na ginagamit ng mga Pilipinoang pinagsasamanang wikang Ingles at Filipino na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng kaunting pagkakaintindihan lalo na sa laranangan ng pakikipagusap. Bagama’t hindi purong Ingles na pagsasalita ay meron naming kahit kaunting pagkakaunawaan sa tulong ng Taglish
Sa pangyayaring ito tinatawag itong Pidgin. Ito ay ang mga wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita. Kagaya ng Taglish, maiituturing itong Pidgin dahil sa pangangailangan upang maipahayag ng mas maayos ang sinasabi ng tagapagsalita kahit ito ay nasa impormal na estraktura.
Pangalawa, mas madaling ipaliwanag ang konsepto ng bawat bagay taglay ng dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na ideya sa wika. Halimbawa nito ang pagtuturo sa mga paaralan na kung saan ang mga malalalim na salita gaya sa Matematika, Agham at mga asignaturang gumagamit ng salitang Inges ay naipapaliwanag gamit ang Taglish. Dulot nito napapataas nito ang literacy rate o bahagdan ng pakkakatuto sa pagbasa at pagsulat ng mga mamamayang Pilipino sa tulong pagtuturo gamit ang pinaghalong Ingles at Filipino.
Maling Paggamit
Ngunit sa pagtanggap at paggamit ng mga hiram na salita at paghalo nito sa wikang Filipino ay para bang naghahabol ang sariling wika sa Ingles. Ito ay nagpapakita na ang wikang Filipino ay napapagiwanan sa tagisan nito laban sa wikang Inglesat nakakaapekto sa pakikipag-ugnayan. Nagigiresulta nito ang pasibol ng Taglish. Ngunit sa paggamit nito nagiging mali ang paggamit sa mga salita.
Narito ang ilang sa mga halimbawa ng mga salita na may maling paggamit.
- Una, USB (Universal Serial Bus) na kung saan dapat ang tawag dito ay Flashdrive dahilang USB tinuring ay yung mismung sinasaksakan ng Flashdrive.
- Pangalawa, Xerox na dapat naming tawaging Photocopy dahil ang Xerox ay pangalan ng produkto ng isang photocopier machine.
- Pangatlo, Ka-dorm mate/ Ka- classmate na ang ibig sabihin nga “ka” ay “co” na ang ibig sabihin ay companion, kaya naman mas magandang sabihin na Dorm mate/ Classmaate para sa magandang pagkakaunawaan.
Sa pagkakataong ng Taglish, parehas ng dalawang wika ang mali ang pagkakagamit. Una, sa mga salita, tama naman na panatilihin ang mga ito at pati kahulugan nito ngunit ang nagyayari ay nagkakaroon ng panibago at paglawak ng kahulugan ng mga salitang “Taglish.” Pangalawa, dahil sa paggamit nga ng mga hiram na salitang Ingles kahit na ang mga salitang hiram ay may panumbas na salita sa bokabularyong Filipino ay hindi na nagagamit. Tulad sa paaralan, ang mga salitang notebook, chalk, balckboard at subject ay may panumbas naman sa wikang Filipino ito ay ang kwaderno, tisa, pisara at assignatura na kung saan minsan lang itong gamitin.Ito ang mga nagiging epekto ng nga tunggalian ng Ingles at Filipino na nagbubunga nang pagsasapawaan ng dalawang wika na pumapatak naman sa pagkakaroon ng paglimot sa nakagisnang wika at pagusbong ng panibagong kahulugan sa mga salita.
Taglish
Sa kabilang dako, sa malaking impluwensya ng Ingles sa wikang Filipino, makikita ang paghalo nito sa bokabularyong Filipino – sa pagsasalita ng isang Pilipino kung saan magkasalit na ginagamit ang wikang Ingles at Filipino na kilala sa tawag na Taglish. Ang pangyayaring ito ay tinatawag na code-switching dahil sa paggamit ng dalawang wika. Ang code-switching ay nag-uugat sa bansang may bilinggwal na wika tulad ng Pilipinas na paheras umiiral at na ginagamit na wika ang Ingles at Filipino. Sa madaling salita, ang Taglish ay ang code-switching ng wikang Filipino at Ingles.
Wika
Mahihinuha sa kasaysayan ng Pilipinas na ang wika ay ginagamit ng mga mananakop upang palaganapin ang pandayuhang ideyalismo. Wika ang ginamit ng mga dayuhan upang mapasailalim ang mga Pilipino sa kanilang pamamahala. Sa dami ng mangangalakal na dumayo at sumakop sa bansa, maraming wik at kultura ang naipakilala, natutunan at nagamit ng mga Pilipino.
Nariyan ang mga wikang Instik, Arabo, Kastila, Ingles, Nihonggo at marami pang iba. At sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng kasarilan ang bansa, kasabay nito ang pagkakaroon ng wikang Pambansa, ito ay ang wikang Filipino. Ngunit mapapansin na ang impluwensya ng wikang Ingles ay mas napanatili sa bansa bunga nang napanatili ito bilang Lingua Franca sa bansa kaya naman hindi na ito maialis sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Dagdag pa rito, Ingles ang wikang Internasyunal at higit na maunlad sa pakikipag-ugnayan sa panahon ng globalisasyon at information technology. Sa pangyayaring naganap, nakikiagapay ang bansa sa patuloy na pagunlald ng makabaging mundo sa bansa lalo na sa wika na ginagamit sa sentro ng globalisayon at sibilisasyon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)