Benepisyo


     Samakatuwid, sa pagkakaroon ng tunggalian sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino ay nagkaroon ng panibagong pananalita ito ay ang Taglish. Sa pamamagitang ng Taglish mas mamadali ang komunikasyon at paghahatid ng komunikasyon subalit hindi din maiiwasan ang masamang dulot nito sa pang-araw-araw na pamumuhay dahil maaari itong maghatid ng hindi magandang pagkakaunawaan lalo kung maling paggamit nito. Patungkol dito, ang pagharap sa globalisasyon ay isa sa pinakamahirap na gawaing pamabansa ngunit sa paggamit ng tamang wika sa pakikipag-ugnayan ito ay magdadala ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga karatig na bansa. 


     Naniniwalaang mga mananaliksik na makakatulong ito sa mga sumusubod; Kabataan ay ang sinasabing pag-asa ng bayan, sa tulong ng kabataan sa pagdating ng muling pagbabago maari malinang ang tamang paggamit sa Filipino at Taglish na magtutunggo sa mas maunlad na bansa; Magulang ang gabay ng mga kabataan, sa pamamagitan nang tamang pagtuturo kung paano gamitin ang Filipino at Ingles, pati din ang Taglish, maari na ang tamang pagpili ng wika ay maging susi sa mas malawak na kaalaman at pakikipag-ugnayan; Mag-aaral sa Kolehiyo na kumukuha ng programang o kursong may kaugnayan sa Pagnenegosyo, Pakikipag-komunikasyon at Pagtuturo sa kanilang tatahaking hanapbuhay ang pakikipagugnayan ay isa sa pangangailanga, naniniwala ang mananaliksik sa tulong nila maari pang mapunlad, maging payak ang wika at mas mapag-aralan pa ang tamang sintakis ng wikang Filipino, Ingles at maging ang Taglish dahil ang mga ito ay mas lilinang sa kanilang larangan; at Pilipino ang mamamayang n atalagang sangkot sa isyung ito, sa tulong ng mga Pilipino ang mas malalalim na pananaliksik at pag-aaral ay sa adbokasiyang ito ay magbabahagi ng isang nararapat at angkop na wika sa pagharap sa globalisasyon na walang masamang dulot sa lahat ng aspeto ng bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento