KRITIKA SA TABI-TABI
- Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang “maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)
- Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz (2008)
- Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo namang di code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching na nagaganap dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally flexible sa formang Taglish.
- Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng pangungusap ay nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So, yabang! Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino o mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa kasalukyan
- Ayon kay Cecilio M. Lopez, may tatlong pananaw tungkol sa paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino:
- Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa,
- Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at praktika,
- Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa menu ng pagpili, pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento