Rasyunal:
Sa modernong teknolohiya ngayon napapanahon ang Globalisayson, ito ay ang proseso ng pagnenegosyo at pakikipaguganayan sa malawakang bahagi ng mundo. Ukol sa globalisasyon, ang paggamit ng wika sa pakikipag-ugnayan ay isa sa pinakamahalagang bahagi. Ngunit sa pagdaan ng panahon ang wikang Filipino na dapat gamitin ay para bang nawawala sa takbo dahil sa wikang Ingles at nagkakaroon ng panibagong pananalita na pinagsamang Filipino at Ingles o mas kilala ito sa tawag na “ Taglish”. Kaya naman ang ideyang ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik na pag-aaralan ang naturang paksa, nangsagayon malaman ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Mahalaga ang adbokasiyang ito sapagkat maraming mamamayang Pilipino ang makikinabang sa tamang pagpili ng wikang gagamitin na maaring maging sanhi ng pag-unlad ng bansa dahil sa pagkakaunwaan o pagkakaintindihan.
Mithiin:
Mapapatunayan sa konseptong papel ito, kung alin sa wikang Ingles o Filipino ang higit na makapagbibigay ng kaunlaran sa ating bansa sa pagharap ng globalisasyon. Sa pamamagitan nito, makikita ang salik at posisyon o katayuan ng wika para panghawakan ang pangbansang kaunlaran. Nais din nito na maisa isa at mabigyan ng angkop na pakahulugan ang bawat salik ng sa ganon ay higit na maunawaan ng mga mambabasa ang mithiin ng papel, na siya namang magdadala ng isang makabagong kaalaman at makapagbigay ng angkop at detalyadong impormasyon. Ang pagtitimbang ng mga kaalamang nakuha at ang pagpili ng payak na karikatura Ingles man o Filipino magsisilbing resulta ng konseptong papel na ito. At nang makatulong sa mamamayang Pilipino kung paano mapapaunlad ang bansa sa tulong nang tamang paggamit ng wika
Layunin:
Nabuo ang konseptong papel na ito buhat ng mga paksa at ideya na siyang nag-ugat para mapagsama-sama ang mga impormasyon at mabuklod bilang isang malayang pahayag. Sa paglipas at pagbabago ng wika sa ating pantheon, apektado din ang pagunlad ng globalisasyon maging ang mga taong saklaw nito. Kaya naman, naglalayonang mga mananaliksikna malaman kung bakit nagkaroon at epekto ng tunggalian ang wikang Ingles at Filipino.Pangalawa,matuklasan kung ano nga ba ang Taglish at saan ito nagmula. Mapatunayan kung epektibo ba ang Taglish sa pagharap sa Globalisayon bilang midyum ng pakikipag-ugnayan.Kung kayat, minarapat ng papel na ito na bigyan ng mas maayos na paliwanag ang bawat layunin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento